Saturday, February 13, 2016

80 #TravelHugot Lines from Travelers

It's Feb-ibig month once again and while most people look forward to it, others do not. Yes, these include people like YOU na either single pa rin or broken-hearted, at may pinagdadaanan. Ouch.

A 2015 Filipino romantic comedy film entitled "That Thing Called Tadhana" has put a deeper meaning to travelingat least for some Pinoys. Whether you want to visit Sagada para makalimot, solo travel to Boracay para mahanap si forever, climb Mt. Pulag para mag-move on, or fly to Batanes para hanapin ang sarili, traveling has become a trend para humugot ng feelings ng mga kaibigan nating sawi.

So just for fun and in the spirit of Valentine's Day, I asked the fellow members of DIY Travel Philippines group on Facebook to share their #TravelHugot lines. Here are some of the quotes and pick up lines that every traveler can surely relate to.

1. Binigay ko naman sayo lahat, oras, magandang ala-ala, destination na magkasama tayong dalawa pero bakit nagawa mo kong ibigay sa iba, di na ba ako mahalaga? -Itinerary (NikeFrancis Licayan)



2. Ang usapan natin "leave no trace" pero bakit ang sakit-sakit pa din? (Aaron Mercado)



3. Sana piso fare pa rin. Piso fare na lang. Piso fare na lang ulet! (Jeni Tianzon)



4. Buti pa ang travel mo kaya mong planuhin. Ako kaya? Kelan mo paplanuhin mahalin? (Ponga Sampang)



5. Kung yung weather update nga pabago-bago. Feelings mo pa kaya? (Aaron Mercado)



6. Sa limatik ka na nga lang lapitin, pinagtabuyan mo pa. (Faie)



7. Ang lamig dito sa taas. Kasing lamig ng puso mo. (Michael Kay)



8. Sabi mo, "Laro tayo". Akala ko "Surfing" yun pala "Feelings". (Czareena Malasig)



9. Me: Kuya, 10 minutes na lang ba talaga bago summit?
Kuya: Naku, Ma'am 10 minutes na lang po talaga.
Me: Kuya, marami nang nanloko saken. Please lang, wag mo ng dagdagan pa. (Precious Claire Fajardo Formarejo)




10. Mapa o compass ka ba? Para alam ko kung saan ako lulugar. (Jannah Tepace)



11. Eto yung bet ko pag nag-sosolo travel, yung makakahanap ka ng beach na walang katao tao, yung pwede kang mag relax buong araw. Ganyan din gusto ko sa pag-ibig , ok lang kahit mahirap hanapin, basta gusto ko walang iba, ako lang. (Paul Derick Mendoza)



12. Okay lang na mahirap at mas mahaba ang lakaran, basta hindi ko na kailangan balikan pa. Traverse. (Kate Pampolina)



13. I don't want to end up like the MONOLITH. SINGLE na nga, BATO pa! (Paul Derick Mendoza)



14. Yung puso mo parang summit ng Mt. Pamintinan pag linggo. Di bale nang masugatan ako, mapagod at masaktan basta sigurado lang na meron akong pwesto. (Michelle Recana)



15. Buti pa yung guide, kahit pagod na hindi ako iniwan. Ikaw, hindi naman kita pinagod pero bakit mo ko binitawan? (Paul Derick Mendoza)


16. Buti pa kay manong tricycle driver, 25 pesos lang special ka na. (Faie)


17. Ang pag-aasawa ay parang pagta-travel lang, pinagpa-planuhan ng maigi at hindi minamadali. (Paolo Ruel)

18. Naglalakbay ako para MAKALIMOT. Hindi para maubos pera ko. Kaya nga DIY ginagawa ko pinipilit mo naman akong sumama sa tour mo para pagkakitaan mo! (Aldrin Reforma)

19. Hindi kailangan maging mayaman para makapag travel, gawin mo lang eto na priority, bagay na hindi mo magawa para sken. Ang gawin akong priority mo! (Jeni Tianzon)

20. Sa dinami-dami ng nasa website, may maswerteng taong nakapag pa book na, may mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap eh yung nasa payment page ka na, nagdadalawang isip ka pa. (Jeni Tianzon)

21. Para akong isang destinasyon na gusto mong puntahan. Pagkatapos kitang pasiyahin, iiwan mo lang din. (MG Asiado)

22. Sa lahat ng napuntahan. Ikaw lang ang gustong balik-balikan. (Kab Fabito)

23. Wag ka pumunta sa Sagada. Sa dami ng gustong makalimot, bingi na ang Kiltepan. (Riah Camposagrado)

24. Lagyan ko ng picture ko ang mapa mo para sakin ka lang pumunta. (Cookie P. Rafal)

25. Nagmahal. Nag travel. Namulubi. Pero pareho ko silang gusto. Sino? Sino? Sino nga ba ang mas matimbang sa puso ko? (Goldwin Cayabyab Sze)

26. Buti pa Instax mabilis madevelop. (Mat Barro Alla)

27. Kung ang lahat ng relasyon ay may take five, wala ng maghihiwalay. Kasi magpahinga man kayo sandali, tutuloy pa rin kayong magkasama hanggang matapos ang paglalakbay. (Sally Bio)

28. Hirap ako makaremember ng provinces and capitals ng Philippines noon sa exam. Pero ngayon isang tao lang, hirap na hirap pa kong kalimutan. (Paul Derick Mendoza)

29. Buti pa ang bagyo may PAG-ASA. (Ricial Joseph Dequina)

30. Mula nung nakasanayan mong sabihin na “malapit na ang summit”, nagsinungaling ka na. (Paul Derick Mendoza)

31. Basta single... Traveller. (Meanne SC)

32. Sa bawat pag akyat ko sa mga bundok sinisigurado ko na nag iingat ako. Minsan na kong nahulog at ang sakit sa pakiramdam ng mahulog ka at maiwan sa ere na walang sasalo. (Mark Gonzales)

33. Climb with precaution. Fall at your own risk. (Joe Espi)

34. Pababa ako ng bundok at muntik na kong mahulog. Buti nalang nakahawak ako, nakahawak sa katotohanan na kapag nahulog ako masasaktan lang ako. (Paul Derick Mendoza)

35. Ang love parang batanes yan. Hindi ginogoogle, ineexperience. (Sally Bio)

36. Sa Daraitan.
Ako: Kuya, hindi ko na talaga kaya.. Baba na tayo!
Guide: Kaya mo yan. "KINAYA MO NGA NUNG NAG-BREAK KAYO DI BA?" (Thorr Macalalad)

37. Bundok ka ba? Bakit? Inaasam asam kasi kita. (Abby Guzarin)

38. Ang pag-ibig parang itinerary, madalas di nasusunod. (Paul Derick Mendoza)

39. Masakit maiwan ng eroplano,
pero mas masakit nung iniwan mo ko,
para sa iyong bago.
#lateproblems (Gra Castro Barrera)

40. Hndi ako gumagamit ng planner, kaya di ko yan kailangan. Gusto ko lang makita laman niyan baka kasi nakasulat na dyan sa travel planner ang pagtatagpo namin ng forever ko. (Chardvin Ollanes)

41. Para siyang trek bag pag umaakyat ako. Dala dala ko pa rin kahit ang bigat bigat na. (Joe Espi)

42. Tinanong kita kung malapit na ang summit sabi mo ""oo, malapit na"" pero inabot tayo ng 2 oras, wala ka ring pinagkaiba sa mga PAASA! #hugotparakaymanongguide (Jazel Bautista Lomboy)

43. Kahit ano pa ang view. Wala ng mas maganda pa kung maririnig ko mula sa'yo ang i laVIEW. (Maureen Oreta)

44. Ang init init kanina tapos biglang may bagyo?
Di tuloy na tuloy ang travel ko,
naalala kita kasi bigla kang nagbago,
kasunod nito ang iyong paglaho.
#weatherproblem" (Gra Castro Barrera)

45. Iwan mo na sya, do what mountaineers do, LEAVE NO TRACE. (Paul Derick Mendoza)

46. Mabuti pa ang summit akin ng nkamit. Pero sa'yo eto patuloy pa ring nagpupumilit. (Is Pong Ha)

47. Natulungan ako ng bundok para maka-move on pero ndi ko alam na sa bundok ko rin makikilala ung taong magiging rason kung bakit ko ulit kailangan mag move on. (Rocell David)

48. Alam mo ba na yung pagtingin mo sakin eh parang trail sa bundok pag umuulan o bumabagyo? Ang LABO e. MALABO! (Cholo Prieto)

49. Yung love story natin parang flight ko, akala ko delayed lang yun pala cancelled na. #cancelledflight (Gra Castro Barrera)

50. Weather forecast ka ba? Bakit ba lagi kang nakaabang sa PAG-ASA? (Cholo Prieto)

51. Kung tayo ay isang tent, gusto ko ikaw ang pole. Kasi I can't stand without you. (Sally Bio)

52. Ang pag-ibig parang pagta-travel lng yan eh. Pinangarap mo, naabot mo at napuntahan mo. Bandang huli, pagod ka na nga, inubos pa pera mo! (Theresa Salmingo)

53. Halika sa Bataan, isusuko na kita. (Faie)

54. Buti pa yung flight papuntang Batanes pinag-aagawan. Ako, pinagtatabuyan. (Kab Fabito)

55. Sa sobrang init ng pagmamahal ko sa iyo, mahihiya ang sunblock SPF 200 sa tindi nito. (Paul Derick Mendoza)

56. Akala ko kasama ako sa biyahe mo. Kaya isasama din kita sa biyahe ko. Nung aalis na tayo wala ka na pala sa piling ko. (Kian Cervantes)

57. Malayo pa ba ang summit?
15 minutes na lang. Sumusuko ka na ba?
Napagod lang pero hindi sumusuko.
Rest ka lang. Take your time.
Yan din binigay ko sa kanya. Time. Time to think, not time to find a new one. (Paul Derick Mendoza)

58. Wag ka na maghanap ng next destination mo. Try mo na lang sa puso ko, sisiguraduhin kong safe ka dito. (Maureen Oreta)

59. Hindi ako umaaakyat ng bundok o naglalakabay para makahanap ng ipapalit sa'yo. Hindi ako sumisisid sa dagat at mga ilog para lunurin ka sa limot. Pero hindi na rin naman ako umaasa pa sa'yo. Ang alam ko lang, gusto ko lang mahanap ang kapanatagan ng isip sa mga ginagawa ko. Ang mahanap ang bagong ako, at makitang nakakamove on na ako sa'yo. Hindi ito madali pero wala akong panghihinayangan. Titiisin ko ang sakit maging malaya ka lang. Mahal pa rin kita pero hindi mo na ako kailangan. (Aetrix Xander)

60. Buti pa bundok inaakyat mo eh yung pagakyat ng ligaw sakin kelan mo gagawin? (Cookie P. Rafal)

61. Pangarap ko talagang maglakbay ng kasama ka. Pero naglalakbay na lang akong mag-isa. Kasi alam kong hanggang pangarap na lang yung "kasama ka." (IE Sindayen)

62. Hindi ako titigil sa paglalakbay hangga't hindi kita makita aking irog. Pero lubha yatang salungat ang ating mga landas, kaya di tayo nagkakatagpo. Kelan ko ba mapapatunayang may nakalaan nga sa bawat nilalang, pag matamis na ang ang tubig alat sa dagat? Asa pa ko. #ForeverAlone (Ghie Guanzon Maldeguia)

63. Kung ikaw ay alak at ininom kita papaninindigan kong hndi kita isusuka. (Is Pong Ha)

64. Nung nakita kita sa dalampasigan akala ko ikaw na, dama ko ang 'Slow Motion' sa pagtitigan nating dalawa. Labis akong nagbunyi nung naramdaman ang halik ng hangin sa aking pisngi. Pero teka...ano to, kahawak kamay mo ay isa ding Adan. WALA NA. Wala na talagang pag-asa. (Ghie Guanzon Maldeguia)

65. Sabi nila mahirap daw umakyat sa bundok kasi mapapagod ka lang at masasaktan. Kaya lagi kong sinasabi nagawa mo ngang magmahal eh, umasa at masaktan. Umakyat pa kaya ng bundok? (Paul Mudlong)

66. Puro kayo planner. Punta dito, punta doon. Pero naisip mo bang isama ako sa mga plano mo sa buhay? Wala kasi sa mga plano ko na bigla ka na lng mawala sa buhay ko. (Con Basa)

67. Mga girls talaga parang limatik. Pag nakuha na lahat samin iiwan na lang kami basta basta. (Paul Mudlong)

68. Ingat ka sa cliff dive. Delikado ang ma-fall lalo na kung walang sasalo. (Paul Derick Mendoza)

69. Umakyat ako ng bundok para iwan ang lahat ng sakit dun. Pero pagkababa ko, sumama pa rin sila. (Jay Rico)

70. Hindi ako marunong lumangoy, ngunit sumugal ako at nagpakahulog sayo dahil pinanghawakan ko ang pangako mong sasaluhin mo ako. (Hope Esperanza)

71. Wag mag 143 kung 6 lang habol mo. Auko din na after 6 eh ma 123. (Mujers Chelle)

72. Masarap nga ang luto ko, single serving nga lang. (Cedie Domingo)

73. E nalibot ko na ang mundo, halos kabisado ko na ang globo pero hindi ko pa rin mahanap ang daan patungo sayo. (Grätchi Navarro Navarrete)

74. Now I know kung bakit pinapangalan sa tao ang mga bagyo, kase dadaan lang naman sila tapos iiwan ka lang din. (Paul Derick Mendoza)

75. Miss, walang stars sa langit, alam mo kung bakit? A star falls every time I miss you. (Lady Allyson Dulnuan)

76. Do not leave your feelings unattended. (Maria Carale)

77. Ang bundok parang babae, papahirapan at papahirapan ka nyan, pero wag kang susuko dahil tiyak, wagas na ligaya ang madarama mo pag narating mo ang ibabaw niya. (Chardvin Ollanes)

78. Ang dami ko nang nakitang magagandang tanawin. Pero nung nakita kita, mas maganda ka pa sa tanawin. (Maureen Oreta)

79. Di man tiyak kung saan patungo, maglalakbay ako hanggang makarating sa yakap mo. Umaakyat man tayo ngayon ng magkahiwalay, sana sa mga susunod pang bundok, umaakyat na ng hawak kamay. (Keesie Joy Bautista)

80. Naparaming sugat na natamo ko sa pagsuong sa Fortune Island dahil sa hanging amihan, mula sa pagbaba ng bangka na halos mapuno ng gasgas ang tuhod at binti ko dahil sa pagtama sa mga naglalakihang bato at corals, pati na rin sa pag-akyat ko mula sa cliff diving na halos ihampas ako ng alon sa cliff, wala na kong maramdman sa dami ng sugat parang yung iniwang sugat mo sakin. (Tj Arias)

Click here for hugot gallery on my Facebook page. Don't forget to follow me on Instagram.

Make sure to share this with your friends who can relate. If you have your own #TravelHugot that you'd like to share, feel free to post them in the comments below.

Credits:
Paul Derick Mendoza's contributions - Source: Jonas.ph

Note: I have no way of determining the original sources of these hugot lines or if these lines were originally created by the contributors themselves. If you see that you own any of these and a proper credit is necessary, feel free to let me know.

Subscribe to Pinoy Travel Freak to receive free updates and latest content in your email. You can also follow me on Facebook and Twitter. If you like this post, don't forget to share it with your friends by clicking the "Share" button below.

No comments:

Post a Comment

Thanks for your comment. Make sure to follow me on Facebook: https://www.facebook.com/PinoyTravelFreak